Tekstong Impormatibo

 Ano ang neologismo?

 Ito ay mga salita o expression na wala noon, ngunit isinama upang tumugon sa pangangailangang umangkop sa buhay ng mga tao sa lipunan. (Roldan, 2022) Mga bagong salita o maaaring pinagsamang mga salita na nagbigay ng panibagong kahulugan na ginagamit ng isang indibidwal.

 Paano nabuo ang mga ito?

 Ayon sa artikulo na nagmula sa encylopedia-titanica (2022) Ito ay maaaring mabuo sa iba't’ ibang paraan, lumilitaw ito sa pamamagitan ng komposisyon, derivation, o sa pamamagitan lamang ng pag imbento o tanyag na paglikha.

 Mga paraan kung pano nabuo ang mga ito

 Sa pamamagitan ng: Komposisyon- Mga salitang nabuo mula sa pagsasama ng dalawa o higit pang mga dati nang umiiral na salita.

Derivation - Mga salitang lumilitaw bilang isang derivation ng neologismo, 

Parasynthesis - Mga salitang pinagsama ang komposisyon at derivation nang sabay. Acronym - Mga salitang nabuo sa mga inisyal ng ilang mga salita.

 Pautang na salita - mga salita na nagmula sa ibang wika na inaangkop upang magbigay ng bagong kaalaman.

     Mga halimbawa at kahulugan ng mga ito:

     Selfie- Pagkuha ng litrato sa sarili

     UFO- Unidentified flying object

     Laptop- Isang gadget na parang kompyuter ngunit ito ay iyong madadala kung saan ito nais gamitin

. Nagtetext - Ang isang tao ay nagpapadala ng mensahe gamit ang cellphone.

 Cyberbullying- uri ng paninirang-puri o pangaabuso o pananakot sa tao sa pamamagitan ng internet. Payatot- Isang tao na ang pangangatawan ay payat o balingkinitan.

 Paggamit ng kabataan ng mga neologismo o salitang balbal sa araw-araw na buhay

     Ayon kina Cabanes,et al., (2018) nagbubunga ang paggamit nito hanggang sa pormal na edukasyon sa pamamagitan ng ang isang salitang balbal ay kanilang inaalam kung ito ba ay makakatulong sa kanilang pag-aaral o may kahalagahan ang salitang ito sa kanilang propesyon.

 Pinagkaiba ng pag-gabay sa paggamit ng mga neologismo o salitang balbal ng mga guro at pamilya 

    Para sa mga guro ang kahalagahan upang kanilang maintindihan ang mga salitang balbal o mga neologismo ay upang magabayan ang mga ito na magamit ng tama sa kanilang pag-aaral.

 Para naman sa mga magulang ay upang magabayan at malimitahan ang mga ito sa paggamit ng mga salitang balbal na hindi nararapat gamitin.

 Ang mga salitang ito ay tunay na nagagawang maging malikhain ang utak ng bawat indibidwal, sa pag-iisip kung paano ito nabuo, kung paano nag iiba ang kahulugan ng mga salita kapag pinagsama ang mga ito.

 References:

EPEKTO NG SALITANG BALBAL SA PAG-AARAL NG MGA PILING MAG AARAL SA IKALABING DALAWANG BAITANG SA STRAND NA ABM PANURUANG TAONG 2018. (n.d.). Academia.Edu. Retrieved April 1, 2022, from (DOC) EPEKTO NG SALITANG BALBAL SA PAG-AARAL NG MGA PILING MAG AARAL SA IKALABING DALAWANG BAITANG SA STRAND NA ABM PANURUANG TAONG 2018 | kyle lopez - Academia.edu

Halimbawa ng mga balbal na salita. (2020, February 18). Philnews.Ph. Halimbawa Ng Balbal: Mga Halimbawa Ng Balbal (Filipino Street Slang) (philnews.ph)

Kahulugan ng neologism. (2022, March). Encylopedia-Titanica. Retrieved March 28, 2022, from KAHULUGAN NG NEOLOGISM (ANO ITO, KONSEPTO AT KAHULUGAN) - MGA EXPRESSION - 2022 (encyclopedia-titanica.com)

Roldan, M. J. (2022, February 24). Ano ang mga neologism. Recursosdeautoayuda. Retrieved March 28, 2022, from Ano ang mga neologism (recursosdeautoayuda.com)

20 mga halimbawa ng neologism. (n.d.). Wvpt4learning.Org. Retrieved April 1, 2022, from 20 Mga halimbawa ng Neologism - Ensiklopedya - 2022 (wvpt4learning.org)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Sanaysay tungkol sa kabataan

Pagbibigay Interpretasyon sa Grap, Tsart at Iba Pang Biswal na Pantulong

Interpretasyon sa tula sa pamamagitan ng pagguhit