Sanaysay tungkol sa kabataan
Kabataan, Pag-asa pa nga ba?
“Inuman na! 2 joints! Pare pahingi ako ng yosi” pamilyar ba? Madalas na sinasabi ng ibang mga kabataan lalo na sa social media. Akala nila sa tuwing sinasabi nila ang mga salitang ito ay nagmumukha silang astig, ngunit mas nagmumukha silang katawa-tawa at kahiya-hiya. Sino nga naman ang magsasabi ng mga ganitong salita ng nasa tamang katinuan at higit sa lahat nasa hustong gulang upang tumayo sa sariling mga paa. Karamihan sa mga ito ang pera na ginagamit sa bisyo ay galing pa sa kanilang mga magulang, pabigat lamang sa buhay at perwisyong totoo sabi nga ng iba. Hindi lamang natatapos sa alak at sigarilyo ang bisyo ng ibang kabataan, ang iba dito ay lulong na rin sa masamang droga. Rugby, marijuana, at kung minsan pa ay shabu. Ang mga itinuturing na pag-asa ng bayan ay siyang unti-unti magiging pinaasa ang bayan. Ayon sa United Nations Population Fund ang pilipinas ay nangunguna sa bansa sa ASEAN na may pinakamaraming bilang ng pagbubuntis habang menor de edad o wala pa sa hustong gulang. Noong 2021 ay naitala na umabot ng 64,000 na bilang ng kabataang kababaihan ang buntis na maaring umabot ng 133,000 to 200,000 sa katapusan ng taon. Karamihan pa sa kalahatan na bilang nito ay mga kabataan na ang kabuhayan ay may kahirapan.
Noong ang klase ay hindi pa online, marami ang nagcucutting upang magubos ng oras at pera sa computer shop. At ito ay nagreresulta sa mababang grado dahil hindi natutuunan ng pansin ang edukasyon. Perang nilulustay para sa mga walang saysay na bagay. Kaadikan na rin na matatawag dahil hindi na mapigilan ang pagkalulong sa paglalaro ng mga laro sa computer. Ngayon na uso na rin ang laro sa mga cellphone, kahit nasa bahay ay hindi na rin mapigilan ang paglalaro online tulad ng “mobile legends”. Minsan ay hindi na nakakausap o hindi na lumalabas ng kwarto at ang iba pa nga ay hindi na nagagawang magpasa ng kanilang mga module.
Nagdadrama sa facebook, nagpapaawa sa social media, minu-minuto na paglagay ng mga larawan sa kanilang mga social media. Ito ang mga madalas mong makikita sa ibang mga kabataan sa panahon ngayon. Ang isang problema na hindi na dapat pa malaman ng ibang tao ay mas pinipili pa ianunsyo sa sangkatauhan online kaysa ayusin at pagusapan ang mga ito. Para saan nga ba? Para sa simpatya o kumuha ng atensyon ng ibang tao upang magpasikat? Masasabi mo pa ba na pag-asa ng bayan ang sila mismong nagdadagdag ng problema sa bayan.
Kahit na karamihan ng kabataan ay kabilang sa mga nabanggit ay hindi pa rin maalis na mayroon pa na mga nananatili na matino at magiging pag-asa ng bayan. Mga kabataan na nagpupurisigi sa buhay at pag-aaral. Mga taong hindi ginagawang hadlang ang kahirapan bagkus ay ginagawa pa itong motibasyon upang magsumikap sa araw-araw at hindi nagpapaimpluwensya sa makakasama sa kanila. Saludo! Para sa mga tunay na pag-asa ng bayan. Dagdag pa dito ay ang mga kabataan na nagbibigay halaga at parangal sa ating bansa. Katulad ni Debbie Bartolo na community organizer ng “Likha Initiative”. Isang kabataan na boluntaryong tumutulong sa patuloy na pagkamit ng “zero-waste policies” sa mga ibang siyudad sa ating bansa. Kahanga-hanga hindi ba? Na may kabataan na tulad niya na gumagawa ng mga bagay na makakatulong hindi lamang para sa bansa ngunit pati sa buong mundo na rin.
Kahit na marami ang kabataan na hindi na makikitaan ng potensyal na maging pag-asa ng bayan ay mayroon pa rin mga nananatili na nagpapakita sa atin na buong puso nila ginagawa ang lahat upang maiahon ang sarili at bayan sa kahirapan. Ang kanilang pagsisikap at pagtitiyaga ang magpapahanga sa atin na mayroon pa rin pag-asa na ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento