Pangkatang Gawain - Pagbibigay Interpretasyon sa Grap, Tsart at Iba Pang Biswal na Pantulong
Pangkalahatang panuto:
1. Bumuo ng interpretasyon at konklusyon mga datos na nakalahad sa ibibigay ng guro.
2. Kinakailangan na masuring mabuti ang mga datos bago ilahad ang interpretasyon ng grupo at ang konklusyon sa bawat datos.
3. Sundin ang pamantayan sa pagmamarka na nakalahad sa itinakdang gawain.
4. Malayang pumili ng mga grapikong presentasyon sa mga datos na ibibigay ng guro sa bawat pangkat.
5. Ang bawat pangkat ay bibigyan lamang ng isang (1) oras sa nasabing gawain.
6. Ang bawat grupo ay mayroon lamang na 10 minuto sa presentasyon ng kanilang ginawa.
Gawain sa Pagbasa - Pangkatang Gawain
Group B
Ron Acer M. Acierto
Brandon Austin A. Nery
Irohn C. Mercado
Raymark C. Catapang
Allianne Faye Alcantara
Angela Matienzo
Thomas Mejia Canillas
Francis Bryan Raterta
Talahanayan Bilang 1.0
Interpretasyon: Ayon sa Talahanayan Bilang 1.0, ang pangkalahatan na dami ng mga
kalahok ay 90 at ito ay nahahati sa 45 na lalaki at 45 na babae.
Talahanayan Bilang 2.0
Interpretasyon: Nakasaad sa Talahanayan Bilang 2.0 ang porsyento ng pagkatuto ng
mga Kalahok / Impormants sa Disiplina ng Math ay may kabuuang 68.543%, Science na
may 69.301%, English na may 67.612% at ito ang pinakamababa sa lahat, Filipino na
may 70.346%, Araling Panlipunan na may 71.981%, Edukasyon sa Pagpapakatao na
may 74.745%, MAPEH ang pinakamataas na may 77.788%, at TLE na may 73.245%.
Talahanayan Bilang 3.0
Interpretasyon: Ipinapakita sa Talahanayan Bilang 3.0 ang mga salik na nakakaapekto
sa pag-aaral ng mga kalahok na kung saan ang may pinakamataas na sanhi ay ang
Kakulangan ng mga Impormasyong Nakalahad sa Modyul na may average na 4.58
at ang pinakamababa ay ang Pagkakaroon ng Malubhang Sakit na may average na
1.54.
Konklusyon
Ayon sa ginawang talahanayan batay sa mga datos na nakuha, makikita sa venn
diagram ng talahanayan 1.0 na pantay ang pagkakahati ng kasarian sa kabuuan na dami
ng mga kalahok. Ang kabuuan na dami nito ay 90 katao at ito ay may tag 45 na lalaki at
tag 45 na babae. Mayroong 8 na disiplina ang pinag aaralan ng mga kalahok. Ito ay Math,
Science, English, Filipino, Araling Panlipunan, Edukasyon sa pagpapakatao, MAPEH, at
TLE. Batay sa datos na ipinakita sa talahanayan bilang 2.0 gamit ang bar graph, makikita
na ang may pinakamababang pagkatuto ng mga estudyante ay sa Math at ang
pinakamataas naman ay sa disiplina na MAPEH. Ang mga resulta ng pagkatuto ng mga
kalahok ay naimpluwensyahan ng mga salik na makikita sa talahanayan bilang 3.0.
Makikita sa ginawang bar graph na ang may pinakamataas na mean ay ang kawalan ng
internet connection, ikalawa ay ang kakulangan ng mga impormasyon at ikatlo ay ang
kakulangan sa gadget/s ng mga kalahok. Nagpapakita dito na ang tatlo sa pinakamataas
na salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga kalahok sa iba’t ibang disiplina ay mga
teknikal at pinansyal na problema ng bawat kalahok. Ang pangunahing problema ay ang
pagkawala ng internet connection na kung saan kapag ito ay nawala, ay apektado ng
lubos ang magiging pag-aaral ng mga kalahok. At kung ang kalahok naman ay nag-aaral
sa modyular na pamamaraan, Ikalawa sa pinakamataas ay ang kakulangan ng mga
impormasyong nakalahad sa modyul. Makikita na ang mga kalahok ay nahihirapan
intindihin ang mga modyul na kanilang inaaral dahil sa kakulangan ng sapat na gabay
upang ito ay maituro sa kanila. Maaari rin mainterpreta na ang makabagong alternatibo
ng pag-aaral ay hindi epektibo dahil makikita sa porsyento ng pagkatuto ng mga kalahok
sa bawat disiplina ay hindi gaano kataas
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento