Sanaysay tungkol sa kabataan
Kabataan, Pag-asa pa nga ba? “Inuman na! 2 joints! Pare pahingi ako ng yosi” pamilyar ba? Madalas na sinasabi ng ibang mga kabataan lalo na sa social media. Akala nila sa tuwing sinasabi nila ang mga salitang ito ay nagmumukha silang astig, ngunit mas nagmumukha silang katawa-tawa at kahiya-hiya. Sino nga naman ang magsasabi ng mga ganitong salita ng nasa tamang katinuan at higit sa lahat nasa hustong gulang upang tumayo sa sariling mga paa. Karamihan sa mga ito ang pera na ginagamit sa bisyo ay galing pa sa kanilang mga magulang, pabigat lamang sa buhay at perwisyong totoo sabi nga ng iba. Hindi lamang natatapos sa alak at sigarilyo ang bisyo ng ibang kabataan, ang iba dito ay lulong na rin sa masamang droga. Rugby, marijuana, at kung minsan pa ay shabu. Ang mga itinuturing na pag-asa ng bayan ay siyang unti-unti magiging pinaasa ang bayan. Ayon sa United Nations Population Fund ang pilipinas ay nangunguna sa bansa sa ASEAN na may pinakamaraming bilang...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento